hindi pa rin ako makatulog. Apat na magkakasunod na araw na akong ganito. nakakatakot, hindi na ako dinadaanan ng antok. hindi ako to. kakambal ko ata ang salitang tulog kaysa pagkain.
marami kasing bagay ang gumugulo sa buhay ko ngayon. sobrang dami. at nahihiya ako dahil sobrang narsisismo ang pinagsusulat ko dito. repleksyon na ba to ng mga bagay - bagay na bumagbagabag sa akin. hindi na naman ako masay. hindi ko rinmasasbing malungkot ako. parang wala lang direksyon. wala akong konkretong mga plano hindi lang para sa ikauunlad ko kundi ng mundo sa kabuuan. naiinis lang talga ako kasi puro na lang ako ang iniisip ko.basta.
minsan wala na talga akong ibang inisip kundi maghanap, gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa akin. umabot sa puntong hindi ko rin naman nararamdaman ang pagiging kontento.
masyado ata akong vague.
ayoko nung selfish ako.
siguro may isa lang talaga akong gustong mangyari.
yung maibahagi ko yung sarili ko. ewan ko kung sa ano, kung sa sino o kung sa paano.
ang gulo ko. nakakayamot.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment