Sunday, January 30, 2005

pink

it was not love. it was not folly. i had no name to know it. all i know is that at one certain instant, you held my earth, you held my sky...

Saturday, January 29, 2005

El Crimen del Aika Castillo

Simple lang ang krimen ko, actually!

Pero hindi ko mapigilan ang sobrang pagkadismaya sa sarili ko at at sa sarili ko pa. =(

My sleeping disorder na yata ako. Hindi ko na maintindihan. Sa isang araw nakaka sampung oras ako ng tulog. Alas diyes pa lang ng gabi tulog na ako. At sa pagitan ng mga klase ko tulog ako.

Hindi na nakakatuwa.

Marami akong dapat gawin. Naramdaman niyo na ba yung gustong - gustong - gusto mo ng mag - aral tapos ayun, pagising mo alas siete na ng umaga. Wala kang nagawa. Wala akong nagawa. Hindi ako tinatablan ng Nescafe ice at Extra Joss. Hindi ko na alam ang gagawin ko. nalulungkot ako dahil ang dami ko ng bagsak na exam.

Hindi na talaga nakakatuwa.

Totoo to. May sleeping disorder ba ako?

Wednesday, January 26, 2005

This Side ng Mundo Ko

Isang malaking sigh!


Ayoko na ipakilala sarili ko. Sa ibang pagkakataon na lang. Ewan ko ba at bigla akong napadpad dito sa internet cafe at biglaang gumawa ng sarili kong blog.

Sa Mga Nakalipas na Araw...

* Gusto ko lang matulog. Hirap na hirap na ang mga mata ko sa sapilitang pag - aaral ng kung anu - anong exam. Kahit ang Nescafe ice o Extra joss (driver mode)ay hindi ako natatablan.

* Namimiss ko na ang bahay namin at ang mga kapatid kong matatalino. Di sila cute, matalino sila.

* Yung TV sa bahay miss ko na. Wala na akong alam na balita. Ang kahulu hulihulihang chismis na alam ko ay ang pambubugbog ni Dino Guevara kay Kim de los Santos at pagkamatay na rin ni FPJ.

* Gusto ko na ring magtrabaho sa call center.

* Bothered din ako sa isa pang bagay...

Can I sigh again?


Nagbalik loob na pala ako sa Diyos. Nagdasal ako kahapon. Biruin mo, naiyak ako? Hanep Aika!

Pero bothered pa ron ako.

Another sigh! =(