Monday, October 03, 2005

happy birthday ko ngayon

hala nineteen years old na ako. birgin!

ngayon ko lang naramdaman ang isang ordinaryong birthday. yung walang selebrasyon. kasi ba naman sinanay ako ng mga taong nakapalibot lagi sa akin ng isang mapagkain, mabarkada, maperang birthday. pero hindi naman malungkot ang birthday ko ngayon. bagong twist nga kasi "solitude" ang ambiance.

kanina paggissing ko nakakapanibago kasi wala na akong cellphone. naslashan ako ng bag noong nakaraang huwebes habang nakasakay ako sa philcoa jeep. hindi ako nakahanay sa mga tangang nawawalan ng cellphone bawat minuto. ang cellphone kong 3310 ay simula third year high school pa ako nun. third year college na ako, buhay pa siya hanngang noong alas syete ng september29. =( masaya pa naman yung kwento noong pagkanakaw kasi vivid na vivid pa siya sa isip ko. akala ko magnet, cellphone ko na pala yung natangay.

anyway, birthday ko ngayon. ayun nakakapanibago (as i was saying) kasi mga 12 midnight nagtototoot na yan sa mga greetings. lahat naman tayo ganun e pag birthday. pero kaninang umaga, utot lang ang nagtotoot. kabag lang. happy birthday aika! happy birthday kang! happy birthday king!

birthday ko na. nineteen na ako. medyo matanda na. medyo lang kasi mukha pa naman akong twelve. ksing ganda ng sixteen. kasing rikit ng eighteen. haay ang sarap magbirthday.

ang wish ko sa birthday ko pera at tsaka health ng tatay at nanay at mga kapatid ko at tsaka boypren at tsaka matataas na grade at tsaka cellphone. =D

mabait pa naman si lord kasi binigyan pa niya ako ng dalawang magulang na sa pakiramdam ko naman ay mahal ako.

bibili na cguro ako ng cellphone ngayong miyerkules or baka bukas!


maligayang kaarawan aika!
salamat ng marami aika!

=D

No comments: