siguro, una sa lahat magpapasalamat ako kay ron at sa up rep. hehehe sobrang dami na naman ng natutunan ko noong nakaraang miyerkules sa mobilisasyon na naganap sa ayala. isang pagmumulat muli at muli at muli... nasaksihan ko na naman ang sandamakmak na tao ng nakikiisa sa pagpapatalsik kay gloria macapagal arroyo. isang malaking people power na naman kaya ang magaganap o isang mahabang proseso ng due process na kailanma'y hindi na naging bago sa mata ng mga pilipino?
ewan ko ba kung nag - aaktib - aktiban lang ako o sadyang sobra ang ka - agitan na aking naramdaman ng marinig ko ng buo ang gloria tape. talumpung minuto ng pandidiri at galit ang iyong mararamdaman sa pakikinig sa nasabing tape. si gloria, si barbers, si mike at si garci. isang kahindikhindik na PANDARAYA. totohanan. kaya nangagalaiti ako sa mga taong nagsasabi na sadyang hindi totoong nanadaya si gma dahil lamang sa tape. pakinggan lamang ninyo ito at itataya ko kamay ko kung masasbi ninyong isang pangulong may kredibilidad ang naghahari sa atin ngayon at tila walang planong bumaba sa pwesto.
siguro too late na ang mga reaksyon ko pero talagang sobra ang naramdaman ko sa mga pag - uusap ni garci at gma. 1million, 70,000 votes? ipakidnap ang pamilya, dagdagan? malinis ang pagkagawa? may teacher witness daw ang kabila? baka madali ako niyan? tulungan mo garci si bobby kasi loyal yan?
nakakatakot.
sobrang dami ng katanungan na bumabagabag sa akin ngayon.
national coalition government. tunay na reporma. national democratic movement. pagbaklas sa sistemang kolonyal, imperyalista, elitista, patriarkal at kapitalista.
pagtanggal sa mga batas na anti - mamamayan tulad ng VAT, oil deregulation law atbp.nationalismo.
marami pa. at siguro nga sobrang konti lamang ang aking nalalaman. subalit alam ko na ayoko manatili ang kasalukuyang sistemang lumalaganap sa aking bayan. alam kong marami pa akong dapat gawin maliban sa pagtutula - dula. marami pa akong internal na kontradiksyon dahil sa sitemang lumalamon sa atin. isa itong napakalaking hamon. tunay akong nasasaktan sa mga nagwawalang bahala, mga dating ako, na walang pakialam sa pagkat hindi nila nararnasan ang nararanasan ng karamihang Pilipinong naghihirap, pinagsasamantalahan.
very given. very obvious.
napapaiyak ako sa kantang, "bayan ko hindi pa tapos ang laban mo. isulong mo, isulong mo rebolusyon ni bonifacio..."
ano kaya title nito?
ano kaya nag mag susunod na magaganap sa kasalukuyang tensyon?
Thursday, July 14, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment