Thursday, May 19, 2005

every 5:30 pm meteorgardenish

nostalgic talaga ang meteor garden mania!

hanggang ngayon, inaabangan ko pa rin ang walang kamatayang f4 at shancai sa muling pagbabalik ng meteor garden sa abs. jola na kung jola. it never fails to make me feel giddy. ilang beses ko na siyang napanood pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nagsasawa. Siguro habang buhay na akong hindi magsasawa.

anong meron?madali lang sagutin yan. alam kong alam mo kung paano ka pinakikilig ng buong kwento. pinapangiti sa mga eksenang paulitulit mo ng pinanuod. ang eksplenasyon na alam mong sa panunuod nito parang nakikita mo ang pangarap na magkaroon ng sarili mo ring meteorgardenish na istorya.pangarap.relate. ilusyon.

gusto ko bang maging si shancai? oo nyaman.babarilin ko ang magsasabing hinsi.ulol. sinong ayaw mahalin ng dalawang intsik? hahahaha sinong ayaw magkaroon ng buhok na kahit binuhobuhol mo na e ang ganda ganda pa tin. pink pa ang pisngi. kahit na ang pangit na ng combination minsan ng damit niya bagay pa rin. pero hanggang diyan lang yan. hahahaha

gusto ko ng sarili kong istorya. kahit di meteorgardenish. pwede ring space garden, star garden, star margarine, butter...

Image hosted by Photobucket.com

No comments: