actually april 29 na cya kung tutuusin. around 2:30 ng umaga.
natutulog ako ng mahimbing at MAAGA (9:30, isng malaking himala sa taong tulad ko na natutulog ng 3am usually).
SCARY talaga ang naranasan ko.
may nanloob sa boarding house namin. sobra ang pasasalamat ko kay papa jesus at ginising niya ako.
off ang lahat ng lights sa bhaus. madilim. tanging ang tunog ng fan lang ang maririnig.
habang mahimbing na mahimbing akong natutulog sa upper bunk ng double deck kasama ang aking roomate na si aira, bigla kong naramdaman na may humipo sa upper leg ko malapit sa puwet. Isang malamig na kamay. Kamay ng isang lalaking hindi ko kilala.Bigla akong bumagon at nagmura: "p*tangna!". Biglang kumaripas ng takbo ang lalaki palabas ng bahay. Palabas ng gate. Lumundag cya sa mataas na bakod ng gate.
Natulala ako. Hindi ako makasigaw. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. May point pa na sinabi ko sa sarili ko na baka panaginip lang. Pero alam ko nakita ko talaga nag kriminal paakyat na sa higaan ko. Nahipo na nga ako. Tulala lang talaga ako. TAKOT na TAKOT. Agad ko na lang pinagtetext ang mga kaibigan ko. Naiyak ako sa takot.
Alam niyo yung feeling na you have been sheltered all your life then viola, may ganitong pangyayari. Isang lalaki ang pumasok at muntik ng...
Paano kung hindi ako nagising noong mga panahong iyon. Paano kung hindi ako nagising sa panahong hinawakan ako ng kriminal.
Kinabukasan nalaman namin na nawala nag wallet ni aira.
Buti na lang ang pinuntahan agad ako ni vhanuk at wenna. Hindi na ako nakatulog ng mga pananahong iyon.
Sobrang nakakatakot.
I've never been assaulted like this.
=(
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
aking, naunsa mn ka? grabe ha na nay nagnasa sa imo.. hehehe. d btaw king, always tke care ayw jud isuko ang bataan except na lng kung guapo!=)miss u.
Post a Comment