Tatlong oras kong tinahak ang nasabing bundok at sa kauna - unahng pagkakataon nagawa ko na ang isa sa mga pinapangarap ko sa buhay:ang makarating sa tuktok ng isanf bundok. Hindi ko maipaliwanag ang sobrang gaan ng lahat ng mga bagay sa paligid. Para akong hinugutan ng kaluluwa. Iba.
Walong taon na ang nakararaan at tandang - tanda ko pa ang pagpapapnggap kong umakyat ng bundok sa pamamagitan ng mga malalaking bato sa tabi ng bahay namin. Para ako noong tanga. Alam mo yung sobrang baba ng mga bato, pinipilit kong isipin na malalaking bundok ang mga yun at nagdadala pa ako ng packbag para kunwari paglagyan ko ng tubig. Wow. Isang pangarap na naman ang natupad ko. =D
"Oist! Right now I'm at the peak of Mt. Daguldol and I am looking down upon a sea of breathtaking greenery. Kahit mamatay na ako ngayon ok lang!!!" tinext ko laht halos ng mga kaibigan ko pagkadating ko s atuktok ng bundok na may signal! whew!
Hindi basta - basta kong sinuyod ng tatlong oras ang nasabing bundok. Ngunit sapat na ang pakiramdam ng kalikasan at personal na meditasyon at pagpapahalaga sa sarili at kalusugan. Feeiling sobrang healthy at sobrang stress - free activity. Sobrang masrap. Kaaya - aya.
At ng gabi ng Sabado, nagcamp kami sa dalampasigan ng San Juan Batangas na sadyang nasa baba na ng bundok.
Sobrang sarap ang pakinggan ang unggol ng mga alon. Gusto kong magdrama. Ang daming bituin sa langit at isang halong gaspang at lambot ang handog ng mga buhangin sa aking mga paa. Masaya.
Nakaupo ako at kinkanta ang kung ano man ang naisip kong mga kanta noong mga panahong iyo. Wala ako sa sarili ngunit patuloy ang malalim na pag - iisip. Malalim at buhay.
Ang sarap talaga sa tuktok ng Daguldol.
1 comment:
wow ha!!!as in nindotay jd???gud for you!!!weheheheh..uban taraw mo ani ni eishei(corect spelig?)yowdi!!!hehehehehe
Post a Comment