miss ko ng magmahal. hinahayaan ko na naman ang sarili kong maging corny at maging pathetic. pero totoo, miss ko ng magmahal.
alam kong alam niyo kung ano ang tinutukoy ko. marami akong mahal kasi naman tao ako at mahal ko lahat ng mga mahal ko sa buhay. pero iba yung mahal na napapatawa ka at naibabahagi mo yung sarili mo.
siguro hindi pa talaga ukol kasi naman pinagpipilitan ko ang mga bagay na hindi pa naman talaga ukol. walang bukol. ukol. bukol. ano pa man. miss ko ng mgmahal.
siguro masarap yun.
sabi nga ni ate summer. masarap daw. siguro masarap at masaya at kakaiba. hindi maipaliwanag. kaya nga pilit kong iniintindi yung mga taong nagsasabing, "basta.alam mo na yan pag siya na nga. mararamdaman mo na lang," pag tinatanong tungkol sa mga minamahal nila.
wala pa ata ako dun.
siguro pagdumating yun. dilaw yung mundo ko. pero may konting bahid ng pink ang paligid ko. At siguro sobrang saya akong maliligo at magbibihis ng puti o kaya dilaw na damit. Siguro biglang maglalasang ubas ang mansanas. yung tipong ganun.
isang malaking pagbabago na sobrang ikakasaya ko.
iniisip ko na lang, mas matagal mas masarap. kaso hindi masyadong masarap yung paghihintay.
basta. hindi lang pink at dilaw ang dulot. pati yung ngiti ko nun, pinaghalong green, pink, purple, yellow at orange...
mmmmmmmm... sarap nun!
1 comment:
oist. aww.. i feel for you friend.
Post a Comment