in filipino "Ang Panahon ang Magsasabi sa Orasan"
Naramdaman niyo na ba yung feeling na hinahabol yung oras? Literal na hinahabol. Yun bang kulang na lang pati paghinga ay wala ka ng panahon. At ang nakakyamot pa ay ang pag aaksaya mo ng oras sa mga sandaling libre ka.( ang tawag ko sa mga sandaling yan ay to-good-to-be-true)
Simula pa lang ng linggo hinahabol na ako ng sandamakmak na readings, papers at org activities. Minsan nakaklimutan ko ng tumae, sa totoo lang. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng mag - aral pero inaantok na ako. Gusto kong mgbasa ngmaraming libro hindi na kaya ng malaking mata ko. Gusto kong mahiga sa kama ko at makinig ng taimtim hindi ko naman nagagawa yun ng hindi iniisip ang mga nakabinbing trabaho. Gusto ko mang pumunta ng SM at manood ng "a long engagement" wala na talagang panahon. Kahit nga gustuhin ko lang pumasok na handa sa discussion, hindi ko rin mgawa dahil sa sobrang dami ng gagawin wala akong masimulan.
Love ko ang sinabi ni kenikenken sa Kule ngayon. "Lulubog ang araw na wala akong nauumpisahan at sisikat ang araw na wala akong natatapos". Close ba tayo kenikenken o sadya lang akong tanga at hindi ko man lang maisip na ang nararanasan ko ngayon ay ang pinakanatural na ngyayari sa isang estudyante? Sa tingin ko, tanga. ako.
Pero kahit tanga ako sa pagbubudget ng oras ko, hindi naman siguro ako ganun kasama para naising sana magkaroon ng dalawang sabado at dalawang linggo o di kaya para mas masaya maraming sabado at linggo. Sunod - sunod yun ha. Haaay... hindi na palaako tanga. tamad.
Time will tell the clock kung kelan kaya mangyayari na sa isang umaga paggising ko: masarap sa pisngi ang pagsikat ng araw. maliligo ako at mag - aamoy bulaklak, kakain ng cinnamon para sa aking agahan, magsusuot ng puting damit at sumbrero na may pink na bulaklak at lalabas ng bahay na nakatsinelas at hahayaan ang oras na magsabi sa mga susunod kong gagawin.
Aksaya talaga ako sa oras. Tulad ngayon.
Time will tell the clock alam mo yun, parang you can never can tell. Basta.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hello!
ewan. though hindi tayo close, pero hindi ka rin tanga (huy ginaya ko lang sinabi mo ha. hehe). baka hindi mo na to mabasa, nwei goodluck sa pagiging busy... kahit lumulubog ang araw ng walang nasisimulan, at least.. hindi ka naman pagod. joke. :p
ingatz!
Post a Comment