Mahirap walang masabihan. Mahirap ang walang kakampi. Mahirap yung pakiramdam ng nag – iisa lalo na kung alam mong pinapalibutan ka ng mga tao. Mahirap ang paghihintay. Mahirap walang pera. Mahirap maubusan ng panahon. Mahirap magdamdam at magtago ng saloobin. Mahirap tumawa kung hindi ka naman natatawa. Mahirap umiyak na walang tumutulong luha. Mahirap gawin ang mga bagay na dati akala mo siya ng magpapasaya sa iyo. Mahirap paligayahin ang tao sa paligid mo. Mahirap umasa. Mahirap magpanggap. Mahirap ngumiti pag alam mong di kusa. Mahirap matulog ng maraming iniisip.
Mahirap tuparin ang mga pangarap.
Mahirap maghintay sa mga bagay na matagal mo ng ipinagdarasal
Mahirap ang maging malungkot.
Baka regla lang to…
Sana nga regla na lang…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment