Hindi man lang ako nakasama sa mob noong ika – labing apat ng pebrero. Nasa plano ko na talaga ang magwalk out sa klase ko. Minsan lang ako makaramdam ng sobrang pagka – agit. Chet (pronounced as “syet”) talaga. Umaga pa lang pulang – pula na ang suot ko hindi dahil valentines.
Grabe na yang 357 M na budget cut. Ito na yata ang pinakamalaking budget cut sa kasaysayan ng UP. Sa totoo lang yan na talaga. Chet. Ibang klase talaga ang gobyerno. Ibang klase sa pagpraprioritize. Hanep. Kaya ba lalong naghihirap ang bansang ito? Talaga. Isipin mo na lang kung gaano hindi pinapahalagahan ang edukasyon. Para saan pa at isa tayong State U kung unti – unti ng pinapabayaan ng pamahalaan ang responsibilidad nito. UP naming mahal. UP naming unti – unti ng nagiging mahal. Chet. Noong biyernes, nag – ED sa akin si ate Jet tungkol dito. Maliban sa mga statistics o konkretong mga figures na sinabi niya sa akin, nakakalungkot at nakakagalit na talaga ang pagpapabaya ng pamahalaan. Inuuna ang mga pagbabayad sa debt servicing bago serbisyong sibiko at panlipunan. Naaprove nga nong Disyembre 2004 sa Kongreso ang budget na umano’y 4.162B na lamang mula sa 4.52B noong nakaraang taon. At kung tutuusin, mahigit kumulang 4.9B ang prinopose ng UP Administration ngayong taong ito. Grabe. Kahit di ko na ulitin, lahat ata ay tutol dito. Malamang.
Gusto ko lang ishare ang natutunan ko sa ED kung saan ba o paano naipapamahagi o naitutustos ang budget ng UP. Ayon sa natutunan ko, may tatlong prinsipal na pinapatunguhan ang pondo. Una na doon ang personal services, pangalawa ang MOOE Maintenance and other Operating Expenditures, at pangatlo ang Capital Otlay. Ayoko naman talagang maging teknikal pero gusto ko lang talga i share ang mga ito. Walang pakialamanan. Ang personal services ay tumutukoy sa serbisyo at pagpapasweldo sa mga UP faculties, ang MOOE ay sumasaklaw naman sa pagpapanatili ng mga pasilidad ng unibersidad tulad ng elektrisidad, tubig, ilaw, upuan, blackboard at lahat na; at ang capital outlay ay yung pondong ginagamit sa pagpapatayo ng bagong mga gusali at imprastraktura dito sa unibersidad kasama na dito ang mga colleges at waiting sheds atbp. Gayon (wala lang) mas malinaw kung saan napupunta ang pondo at mas malinaw na talagang importante ang sapat na budget dahil nanganganib na talaga ang kalagayan natin at ng pinakakmamahal nating UP. Alam ko na alam ito (dapat alam ito) ng bawat estudyante, ng mga tunay na iskolar ng bayan. Ini – emphasize ko lang. At eto pa, sa budget ngayon constant ang sa personal services, ibig sabihin walang pagtataas sa sweldo ng mga empleyado, mas malaki ang naka – allot sa MOOE at mas konti ang sa capital outlay. Ibig sabihin mas malaki ang ginugugol sa pagpapanatili sa mga kagamitan at pasilidad ng unibersidad ng sa gayon ay hindi na bumili ng bago at magmaintain nalang habang buhay. (Ginagawa ko ba kayong bobo? Pasensya)
Basta yun. Chet talaga. Kailangang dagadagan hindi bawasan. Chet. Dapat nating ipagpasalamat at maraming progresibong propesor ang ating pamantasan. Paano na lamang ang kalidad kung sa kalaunan ay mapipilitan ng magsialisan silang mga nagtuturo. At paano na tayong pag – asa ng bayan? (Cliche) Paano maisasakatuparan ang mga pangarap sa tuluyang kapabayaan ng pamahalaan?
Chet. Hindi ako naksama sa rally.
Lucer. May MOB ngayong huwebes. Hindi na naman ako makakasama.
Lucer.
Chet. =(
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment