Wednesday, January 26, 2005

This Side ng Mundo Ko

Isang malaking sigh!


Ayoko na ipakilala sarili ko. Sa ibang pagkakataon na lang. Ewan ko ba at bigla akong napadpad dito sa internet cafe at biglaang gumawa ng sarili kong blog.

Sa Mga Nakalipas na Araw...

* Gusto ko lang matulog. Hirap na hirap na ang mga mata ko sa sapilitang pag - aaral ng kung anu - anong exam. Kahit ang Nescafe ice o Extra joss (driver mode)ay hindi ako natatablan.

* Namimiss ko na ang bahay namin at ang mga kapatid kong matatalino. Di sila cute, matalino sila.

* Yung TV sa bahay miss ko na. Wala na akong alam na balita. Ang kahulu hulihulihang chismis na alam ko ay ang pambubugbog ni Dino Guevara kay Kim de los Santos at pagkamatay na rin ni FPJ.

* Gusto ko na ring magtrabaho sa call center.

* Bothered din ako sa isa pang bagay...

Can I sigh again?


Nagbalik loob na pala ako sa Diyos. Nagdasal ako kahapon. Biruin mo, naiyak ako? Hanep Aika!

Pero bothered pa ron ako.

Another sigh! =(

No comments: